Quantcast
Channel: Surviving the Wimbledon queue
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3629

[EDITORIAL] Kapag nagkakalamat ang bolang kristal ng surveys

$
0
0

Maraming tampok kapag nagbalik-tanaw sa 2025 elections: naghari pa rin ang mga dinastiya, talamak ang vote-buying, pumalya ang machinery politics ng Alyansa — at eto ang nagpabalikwas sa marami — tila sumablay ang mga survey.

Balikan natin ang basic truths tungkol sa mga survey: 

  • Snapshot ang mga ito ng sentimyento sa panahong naganap ang mga survey.
  • Tanging exit polls lang ang makaka-predict ng isang eleksiyon.
  • Napakahalaga ng surveys sa pag-aaral ng pabago-bagong public opinion.
AnimatEd, Election survey, PHVote 2025

Pero may unfair backlash ang surveys sa mga nasa labas ng Magic 12: sinabi ng isang outlier campaign manager na nagsipag-backout ang donors nila nang hindi sila pumalo sa top 17. “The surveys cost us our donors,” sabi ng campaign manager.

Sa positibo, sana’y ito ang panggulat na magtatapos sa over-dependence ng campaigners sa surveys. Hindi oracle ang mga survey, at sana’y magbigay ito ng healthy dose of skepticism sa mga sumasampalataya rito bilang gospel-truth. (Pero ang reality on the ground, kung wala kang perang hawak ni Camille Villar na gumastos na ng P2 bilyon Pebrero pa lang, ano ang roadmap mo sa pag-determine ng pagbubuhusan ng limitadong pondo? Eh di ang surveys.)

Maging panahon sana ito ng pagmumuni-muni para sa survey firms: paano paiigtingin ang accuracy at public service, ano ang mga butas sa methodology, anong lente o framework ang dapat nang bitawan or irebisa, at paano maaabot ang kabataang ayaw sumagot sa surveys. Kung hindi sila maglelevel-up, baka maging irrelevant ang surveys, at maging academic na lang ang silbi nito.

Sabi ng outlier campaigns at mga proactive youth nitong 2025 elections, they were “happy to prove the surveys wrong.” 

Ngayong may lamat na ang bolang kristal ng surveys, sana’y hindi na maging batayan ng donors ang mga ito at tanging ang affinity na lang sa values ng isang kandidato ang maging sukatan ng pagsuporta.

Kumupas na ba ang Marcos appeal? On the rise ba ang alamat ni Sara Duterte? Humina na ba ang anting-anting ng entertainers ngayong nailampaso si Willie Revillame, Ben Tulfo, at Bong Revilla sa eleksiyon? Sinagot ang ilan sa mga tanong na ‘yan sa talakayang ito: In the Public Square: Making sense of the surveys.

Ang pinakamahalagang tanong: may naganap bang shift sa public sentiment na hindi nasipat ng surveys? Hindi tulad noong 2019 elections, mas naaaninag ngayon ang liwanag sa likod ng maitim na ulap. Hindi na Otso Diretso sa basurahan ang bumangga sa ngalang Duterte o Marcos. 

Ang tiyak, malaki ang puwang para sa third force o principled politics, kung saan pruweba ang kampanya nina Bam Aquino, Kiko Pangilinan, at Akbayan. Pruweba rin ang numerong nakuha nina Heidi Mendoza at Luke Espiritu.

‘Wag i-underestimate ang kabataan — ang mga Gen Z at Millennials — na sa huling tala ng Comelec ay 63% ng voting population. Sila ang wildcard ng 2025, ang hindi nasukat na barahang may kapangyarihang magpaguho sa establisimyento.

Huwag i-underestimate ang kakayanan ng tunay na grassroots organizing — na pinatunayan ng phenomenal success ng Akbayan — na hindi man lang naamoy ng mga survey.

Inamin ng pollsters sa isang panel discussion sa Rappler na nakagugulat ang “overestimates, the underestimates” hindi lang kay Aquino, kundi pati na rin sa maraming kandidato. 

Panahon na upang ibaba ang expectations sa surveys — hindi propeta ang mga ito ng kinabukasan. Isa lamang ito sa data analytic tools sa pagtanto ng political weather. 

At kung meron mang napatunayan ng umano’y “debacle” ng surveys nitong 2025, ito ang agency nating mga botante. 

Ang ultimate lesson ng 2025 midterm? Kung tangan lang ng botante ang tamang impormasyon, may dunong siyang pumili ng mga tamang kandidato. – Rappler.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3629

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>